Back

ⓘ Winnie-the-Pooh. Si Winnie-the-Pooh, na tinatawag ding Pooh Bear at Pooh, ay isang kathang-isip na teddy bear na nilikha ng may-akdang Ingles na si A. A. Milne ..



                                     

ⓘ Winnie-the-Pooh

Si Winnie-the-Pooh, na tinatawag ding Pooh Bear at Pooh, ay isang kathang-isip na teddy bear na nilikha ng may-akdang Ingles na si A. A. Milne at iginuhit ng ilustrador na Ingles na si E. H. Shepard.

Ang unang koleksyon ng mga kwento tungkol sa tauhan ay ang librong Winnie-the-Pooh 1926, at sinundan ito ng The House at Pooh Corner 1928. Nagsulat rin si Milne ng isang tula tungkol sa oso sa aklat na pambata na When We Were Very Young 1924 at sa Now We Are Six 1927. Ang lahat ng apat na libro ay iginuhitan ni E. H. Shepard.

Ang mga kwentong Winnie-the-Pooh ay naisalin sa maraming wika, kabilang ang salin sa Latin ni Alexander Lenard na "Winnie ille Pu", na unang nalathala noong 1958, at, noong 1960, ay naging nag-iisang libron sa wikang Latin na naitampok sa listahan ng The New York Times Best Seller.

Noong 1961, ang Walt Disney Productions ay naglisensya ng ilang pelikula at iba pang mga karapatan ng mga kwentong Winnie-the-Pooh ni Milne mula sa ari-arian ni A. A. Milne at ahente ng paglilisensya na si Stephen Slesinger, Inc., at inangkop ang mga kwento sa Pooh, gamit ang pangalan na "Winnie the Pooh ", sa isang serye ng mga tampok na kalaunan ay magiging isa sa pinakamatagumpay na mga prangkesa.

Sa mga sikat na adaptasyon ng pelikula, si Pooh ay binibigyan ng boses ng mga artista na sina Sterling Holloway, Hal Smith, at Jim Cummings sa Ingles, at Yevgeny Leonov sa Ruso.

                                     
  • tauhan sa Winnie - the - Pooh Para sa totoong hayop, tingnan Baboy. Si Piglet ay isang kathang - isip na tauhan mula sa mga aklat na Winnie - the - Pooh ni A. A
  • sa biik, o batang baboy Piglet Winnie the Pooh isang kathang - isip na tauhan mula sa mga aklat ng Winnie the Pooh ni A. A. Milne at ang mga hinango
  • Bunny Rainman Dustin Hoffman Star Trek George Takei: Hikaru Sulu Winnie - the - Pooh Rabbit urang boses Nagboboses sa Steve Martin Batay mga kamatayan
  • Written for Visual Media para sa So Long na itinampok sa 2011 film na Winnie the Pooh soundtrack. Bukod sa pag - awit, gumaganap siya ng mga keyboard, percussion
  • kakompetensiya nitong mascot na kulay dilaw noong panahong iyon ay si Winnie - the - Pooh Ang Pikachu ay isang maliit na Pokémon na parang daga na may maliliit
                                     
  • pambatang salaysay na sina Rudyard Kipling, A. A. Milne ang may - akda ng Winnie - the - Pooh Roald Dahl, at Enid Blyton ang pinagtatalunang si D. H. Lawrence

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →